Huwebes, Disyembre 29, 2011

Malayang Paksa

              Malayang paksa ba? Ang napili ko ay ang mga nangangaroling samin. Masaya naman kung nkakarinig ka ng mga nangangaroling kahit sintunado yung mga bata, nag-eefort naman sila kahit papano. Minsan meron namang mga parang namatayan kung kumanta. Kulang na lang ay yung sabayan ko sila para maging maganda naman.

               Medyo barat ako sa mga ganun. Una, dahil araw-araw naman sila babalik. Pangalawa, dahil wala akong barya! Ngunit, may kinaiinisan din ako sa mga iyon. Yung tipong relax kang nakaupo, nanonood ng T.V., pagkatapos ay kakanta sila. Maganda na sana eh, nakakainis lang dahil paglalaruan pa yung doorbell nyo. Anu ba gusto nila, yung barya o yung makita nilang may naiinis sila? Nakakairita dahil ilang beses ko na silang sinasabihan na huwag nilang pindutin. Dahil bata nga sila, anu pa ba? Hala, sige, pindot. Hay naku, kaya minsan ang sinisigaw ko na lang, "Patawad"! Ayaw ko na silang bigyan dahil baka habulin ko pa sila ng itak (joke).

               Maganda na sana yung araw ko eh, kaso, wala talaga. Bata yun eh, papatol ka pa ba? 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento