Siguro naman, alam ng lahat ang kahulugan ng "MISS NA KITA". Nakakainis isipin na namimiss mo ang isang tao, dahil gusto mo na laging kasama sya, gusto mo na mag-utuan kayo para lang maging masaya, gusto mo na kumain kayo ng sabay kahit diet siya, at gusto mo na hindi matapos ang araw at makalimutan ang salitang "UWI". Lalo na at malapit na ang Pasko.
Kaso, paano mangyayari yun kung wala kang pera? Lalo na at malayo ka sa kanila? Ngayon, kahit hindi kami nag cecelebrate ng pasko (Iglesia Ni Cristo eh :D), gusto ko pa rin sya makasama. Gusto ko gunitain ito ng katabi siya. Habang kumakain ng PUTO BUMBONG at kumakanta ng BREAKEVEN (yun favorite nya eh haha), ang sayang isipin ngunit medyo malabong mangyari. :(
Na-iimagine ko na, sa pasko, naka-abang ako sa labas, naghihintay ng mamamasko, at kukunin ko yung mga bente na malutong. Iyon ang ibibigay ko sa kanila (habang kumukupit paisa-isa). Paulit-ulit hanggang maubos sila. Pagkatapos, pupunta kami ng SM Mall of Asia para lang sumakay sa MOA EYE. Kaso, mukhang hindi talaga magiging sulit at masaya dahil may kulang, SIYA. :(
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento