Biyernes, Disyembre 30, 2011

Magkabilaan ni Joey Ayala at Ang Bagong Lumad

              Isa ito sa mga may pinakamagandang kahulugan ng kanta na napakinggan ko. Magkabilaan, sa tingin ko pa lang sa pamagat, unang lumabas sa utak ko ang kaliwa at kanan. Ngunit, hindi ko alam kung ano naman kung ano ang kahulugan nun.
     
              Pagkatapos kong pakinggan, dun ko nakuha kung anu nga talaga. Tama ang unang lumabas sa utak ko, pero ang mas malinaw na kahulugan ay lahat ng bagay ay may kabaligtaran. Hindi pwedeng wala dahil mawawala ang tinatawag nating balanse. Sa tingin ko, may isa pa itong kahulugang itinatago. Kahit mayaman ka man o mahirap, kailangan balanse pa rin ang pagtingin. Walang mataas, walang mababa. Walang nagmamalakas at walang yumuyurak. Ngunit sa tingin ko, mailap na itong nangyayari ngayon. Dahil kahit mga katulong sa bahay ay hindi na minamaltrato ng maayos.

               Siguro, kung hanggang ngayon ay sikat pa ring itong kanta na to, at may sumusulong ukol dito, pantay-pantay siguro ang pagtingin ng mga pilipino sa isa't-isa. Mas maganda siguro tignan yun, siguro lang, mahirap na kasi baguhin. Kung napa-aga sana maisasalba pa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento